Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Staten Island murder: lolo, binaril ang apo at girlfriend ng apo



Lolo sa New York, binaril ang kanyang apo, ang girlfriend ng apo, at nagpakamatay pagkatapos.

Si Michael Feliciano at ang kanyang fiancée na si Claritle Christina Huerta ay binaril ng lolo ni Michael, na si Heriberto Pagan, sa kanilang bahay sa Staten Island, Biyernes ng gabi.

Tinawagan diumano ni Huerta ang kanyang asawa habang pauwi ito, para ipaalam sa kanya na nasa bahay nila ang kanyang lolo, na galit na galit at gusto siyang makausap.

Ilang minute lamang ang nakalipas, at pag-uwi ni Feliciano, siya ay nasalubong ng kanyang patay na fiancée, na binaril sa ulo ng kanyang lolo. Mabilis na tumakbo si Feliciano, pero nabaril pa rin siya ni Pagan, bago ito tumakas sa kanyang kotse at nagmanehong paalis.

Matapos magmaneho ng ilang block, bumaba ng kotse si Pagan, at tinapos ang lahat nang binaril niya ang kanyang sarili.

Natagpuan siyang patay, sa labas ng kanyang kotse, may bala sa kanyang ulo, at isang 38 revolver na malapit sa kanyang katawan.

Galit diumano si Pagan dahil sa mabagal na proseso ng eviction, o pagpapalayas, na kanyang isinagawa laban kay Feliciano. Pinapaalis niya ang kanyang apo at ang fiancée nito mula sa bahay.

Si Huerta ay namatay sa Staten Island University Hospital North. Si Feliciano ay na-release mula sa ospital noong Sabado.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended