Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Nine-alarm na sunog sa Boston: 2 bumbero, namatay; 18 tao nasaktan


Sunog sa Boston: dalawang bumbero, namatay; labingwalong tao, na-ospital

Nagsimula ang sunog sa Back Bay neighborhood ng Boston, sa basement ng isang four-story building...

At mabilis itong kumalat hanggang sa nalunok na ng apoy, pati ang bubong.

Ito ay isang nine-alarm incident, ang pinakamataas na level ng pagkalala ng isang sunog.

Mahigit isang daan at limampung firefighters ang dumating sa eksena.

Sinimulan nilang hanapin ang mga nakatira sa building, nang mas lalong lumala ang sunog dahil sa malakas na hangin.

Lahat ng residente ng building ay naligtas mula sa sunog, na pilit na pinapatay ng mga bumbero.

Labingwalong tao ang naidala sa ospital.
Sina Lt. Edward Walsh, 43, at Michael Kennedy, 33, ay namatay matapos silang ma-trap sa basement ng nasusunog na building.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended