Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Hans Loudermilk, 66, minolestiya ang isang teenager sa eroplano!



Dirty old man, nakulong matapos pick-up-in ang isang 15-yearold na babae!

Ito ang 66-year-old na si Hans Loudermilk, at siya ay nakulong sa pang-molestiya sa isang 15-year-old na babaeng nakaupo sa kanyang tabi, sa isang Delta Airlines flight mula LA papuntang Salt Lake City, noong March 26.

Nakita ng lalaki ang teenager na nakaupong mag-isa, at pinausog niya ang babae sa upuan sa gitna.

Nagsimula silang magkuwentuhan, pero bigla niyang hinawakan ang baba ng babae!

Pagkatapos ay sinabi niya diumano sa babae na puwede niya itong turuan ng maraming bagay tungkol sa sex!

At hinipuan pa ng matanda ang hita ng babae, at sinabi dito na puwede silang mag-asawa sa Utah, kung saan sila papunta.

Pag-landing ng eroplano, nakahanap ng TSA agent ang babae, at kinuwento niya ang mga nangyari sa eroplano.

Nang nakita ng matanda na may kausap na opisyal ang babae, tunakbo ito papunta sa isang gift shop para magpalit ng damit at tumakas.

Ayon sa Facebook page ni Hans Loudermilk, siya ay isang single na lalaking mahilig kumuha ng litrato at gumawa ng bastos na comment tungkol sa mga babaeng hindi niya kilala. At mukhang pati sarili niyang anak ay naiilang sa kanyang pag-uugali.

Advice naming sa kanya: Keep your hands to yourself! Please!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended