Piloto ng flight MH370, wala sa tamang pag-iisip nang paliparin niya ang eroplano!

  • 9 years ago
Piloto ng flight MH370, wala sa tamang pag-iisip nang paliparin niya ang eroplano!


Piloto ng Flight MH370, wala raw sa tamang pag-iisip para lumipad ng eroplano.

Inannounce ng Malaysian government na isang French satellite ang nakakuha ng mga litrato noong March 23. Ang mga litrato ay may laman na isang daan, dalawampu't dalawang mga bagay, na maaring kabilang sa flight MH370.

Ang debris ay natagpuan sa southern Indian Ocean, 2,557 kilometers mula sa Perth. Ag mga bagay na nakunan ay mula 1 hanggang 23 meters ang haba. Ang debris filed ay nasa isang lugar kung saan naka-focus ang seach efforts ng China at Australia. Naniniwala ang mga experts na ang debris ay nakalubog sa lupa.

Ang flight captain na si Zaharie Ahamad Shah ay nananatiling number one suspect, matapos sabihin ng isa sa kanyang mga kaibigan, sa New Zealand Herald, na si Shah ay wala sa tamang pag-iisip para magpalipad ng eroplano.

Si Shah ay nagkaroon diumano ng emotional breakdown, matapos siyang hiwalayan ng kanyang asawa. May naniniwala rin na siya ay may problema sa isa pang babae.

Ayon sa isa pang kaibigan, si Shah ay depressed, at baka dinala ang MH370 para sa isang huling 'joyride.' Umaasa ang mga awtoridad na mahahanap nila ang black box ng eroplano.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended