US Secret Service agents, naglasing at nawalan ng malay sa Amsterdam hotel!

  • 9 years ago
US Secret Service agents, naglasing at nawalan ng malay sa Amsterdam hotel!



Tatlong US Secret Service agents, pinauwi matapos ang isang wild night out!

Tatlong US Secret Service agents ang pinauwi mula sa Amsterdam, matapos matagpuan ang isa sa kanila, nakahigang walang malay, sa isang hotel corridor, matapos ang isang gabing pagpa-party at paglalasing.

Ayon sa Washington Post, ang tatlong agents ay kabilang sa elite na Counter Assault Team, na responsable para sa pag-protekta sa presidente, kapag may umatake sa kanya. Ang mga agents ay naunang nagpunta sa Netherlands, para sa pagbisita ni President Obama ng March 24.

Matapos makipag-inuman, isa sa tatlogn agents ang natagpuan ng hotel staff, na nakahigang walang malay sa hallway ng hotel.

Itinawag ng hotel management sa US Embassy ang paglasing ng mga government employees; ni-report ng US Embassy ang insidente sa mga supervisors ng mga agents.

Ayon sa Secret Service, ang tatlong agents ay nabigyan na ng 'disciplinary actions,' pero hindi na sila nagpaliwanag kung ano ito. Ang mga agents, sa ngayon, ay nailagay sa administrative leave.

Ayon sa agency, ang seguridad ng presidente ay hindi naapektuhan ng insidente.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended