Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
Lalaki, nahila ng alon papunta sa dagat, mula sa isang binyag sa beach!

Isang lalaki sa California ang ikinatatakot na nawala, matapos siyang mahatak ng alon ng dagat, sa isang binyag sa beach noong Linggo.

Ang 43-year-old na si Benito Flores ay kabilang ng dalawampu't limang miyembro ng Santa Maria church Jesus Christ Light of the Sky, na ipinagdiriwang ang isang binyag...sa Rancho Guadalupe Dunes Preserve sa Santa Barbara.

Biglang dumating ang isang malaking alon, at nahatak papunta sa dagat si Flores, at dalawa pang lalaki.

Ang dalawang lalaki ay nakalangoy pabalik sa beach.

Pero si Flores ay hindi nakabalik. Nadala siya ng malalaking alon, at siya ay hindi pa natatagpuan.

Iilang rescue teams at helicopters ang kasalukuyang naghahanap kay Flores. Sana ng ay maligtas pa siya.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment
Add your comment

Recommended