Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Lalaki sa Pennsylvania, naligtas matapos ma-chainsaw ang kanyang leeg!



Tree trimmer, naligtas, kahit na na-chainsaw siya sa leeg!

Ang 21-year-old na si James Valentine ay isang napakasuwerteng tao.

Bihira lang ang taong makakapagsabi na nakipag-away sila sa isang chainsaw -- at sila ay nanalo!

Si Valentine ay ginugupit ang mga sanga, habang nakasabit siya sa isnag puno, sa Perry Highway sa Pennsylvania Ross Township noong Lunes...

Nang biglang napatalsik pabalik ang chainsaw, at sumabit sa leeg ni Valentine!

Kalmadong pinatay ni Valentine ang chainsaw, at mabagal na bumaba mula sa puno, sa tulong ng isa niyang katrabaho --- at habang ginagawa ito, ay maingat niyang hinawakan nang hindi nagagalaw ang blade ng chainsaw, na nakasabit sa kanyang leeg.

Nang nakabalik na sila sa lupa, tinanggal ng emergency crews ang engine ng chainsaw, at sinakay si Valentine sa isang ambulansiya.

Nagpunta sila sa ospital, kung saan inoperahan si Valentine, at tinanggal ng mga doktor ang blade ng chainsaw mula sa kanyang leeg.

Ayon sa mga doktor, suwerte talaga si Valentine, dahil hindi natamaan ng blade ang kanyang mga major blood vessels, at muscle at tissue lang ang nagkaroon ng damage.

Siya ay inaasahang magkaroon ng full recovery Yay!



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended