Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Lalaki sa McDonald's, nanuntok ng babae dahil sa road rage!


Lalaki, sinuntok ang isang babae dahil sa road rage -- at nakunan ng camera!

Isang matandang lalaki sa Florida ang haharap sa kasong battery, matapos siyang makunan sa video na sinusuntok ang isang babae sa isang McDonald's drive-thru.

Si Howard Carl Wilson ay nakaupo sa kanyang truck, sa isang lane ng double drive-thru sa Winter Haven McDonald's, Sabado ng gabi...

Nang isang kotse sa kabilang lane ang humarang sa harap ng truck ni Wilson, matapos mag-order ng driver.

Nagalit ang 68-year-old na si Wilson sa pag-cut ng kotse, at pinuntahan niya ito, habang galit na nagsisigaw at nagmumura.

Pagkatapos, ay inilabas niya ang kanyang galit...sa isang babaeng pasahero ng kotse, na kanyang sinuntok sa mukha!

Si Wilson ay naaresto, at nakalaya na rin mula sa Polk County Jail.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended