Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Jem and the Holograms - gagawing pelikula!


Ito ay para sa mga fans ng Jem and the Holograms!

Si Jon Chu, director ng G.I. Joe: Retaliation, ay makiki-partner sa agent ni Justin Bieber na si Scooter Braun at producer Jason Blum, para gumawa ng isang action movie ng 1980s cartoon, na Jem and the Holograms.

Nag-a-outsource ngayon ang tatlong mag-partner, ng iba't ibang critical elements ng pelikula, mula casting hanggang costume design, at humihiling sila ng videos, litrato at iba pang mga bagay na kaugnay ng cartoon, mula sa mga fans.

Nagsagawa na rin sila ng open casting call, para sa mga bata, lalaki o babae, at walang limitasyon sa edad -- basta't marunong silang kumanta at sumayaw.

Ito ang Cliff Notes version, para sa mga hindi nakakaalam: Si Jem ang alter ego ni Jessica Benton, na nagiging rock star sa pamamagitan ng isang holographic computer na tinatawag na Synergy. Kasama ang Holograms, si Jem ay isa ring superhero.

Makakahanap ba ang tatlong partners ng kanilang Jem and the Holograms? Ang pelikula kaya ay puro glamour and glitter, fashion and fame? Ikatutuwa ba ito ng mga die-hard fans?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended