Babaeng nagpakamatay noong April 1, napagkamalang April Fool's joke!

  • 9 years ago
Babaeng nagpakamatay noong April 1, napagkamalang April Fool's joke!


Ito ba ay tutoo, o isang April Fools joke? 96-year-old na babae, tinapon sa basurahan, matapos tumalon mula sa 16th floor!

Nakakalungkot at nakakapagtakang balita ang lumabas mula sa Florida itong linggo.

Isang 96-year-old na babae, na tinukoy na masayahin at matalino ng kanyang mga kaibigan,

Ang nagdesisyong tapusin ang kanyang buhay, at tumalon mula sa 16th floor ng St, Petersburg senior citizen's complex.

Pero nag-iba ang tunog ng kuwentong ito, dahil sa araw na pinagyarihan nito --- April 1st --- April fool's Day.

Nang nag-cigarette break ang desk clerk, bandang 4:30 ng madaling araw, nakita niya ang katawan ng babae, pero inakala niyang ito ay isang April Fool's na joke!

Dalawang oras pa ang lumipas, at isa pang employado ang nakakita sa katawan, pero sinabi sa kanya ng clerk na ito ay isang joke.

Pagdating ng paperboy at nanay nito, humingi ng tulong ang clerk na itapon sa basurahan ang 'mannequin.'

Kaya tinapon nila ang katawan ng patay na babae sa basurahan!

Nang isang maintenance worker ang nagpunta sa basurahan, alas otso ng umaga, nakita niya ang bangkay at na-realize niya na ito ay tutoong tao!

Nawalan nan g trabaho ang desk clerk, pero ayon sa pulis, ang kanyang pagkakamali ay hindi maiwasan, at siya ay hindi makakasuhan ng kahit na anong krimen.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended