Baliw na lalaki, sinasaksak ang mga babae sa Taipei - sa puwit!
  • 9 years ago
Baliw na lalaki, sinasaksak ang mga babae sa Taipei - sa puwit!


Baliw na lalaki sa Taipei, nananaksak ng mga babae sa puwit!

Isang baliw na lalaki ang nananaksak diumano ng mga puwit ng babae, sa Taipei!

May isang biktima ang nagsabing nakaramdam siya ng kakaibang sakit, at nang hinawakan niya ang kanyang hita, natakpan ng dugo ang kanyang mga kamay. At dahil nakasuot siya ng itim na damit, walang nakahalata na nagdurugo na pala siya.

Isang lalaki ang naglalakad-lakad diumano sa Taipei, at random na sinasaksak ang mga baabeng pedestrians, sa kanilang puwit.

Isa sa kanyang mga nabiktima ay isang 37-year-old na babaeng nagngangalang Li. Siya ay nag-aabang ng bus noong isang buwan, nang tinulak siya nang malakas ng 50-year-old na suspect. Noong una ay inakala ni Li na siya ay hinihipuan ng lalaki, pero nakaramdam siya ng sakit sa kanyang hita, at doon niya nalaman na siya pala ay nasaksak na.

Tiningnan niya raw ang kanyang attacker, at minura at sinigawan pa siya nito bago ito umalis, sakay ang isang scooter.

Nagpunta si Li sa nalalapit na police station, at siya ay dinala sa ospital. Kinailangan niya ang apat na tahi para maisara ang malalim na sugat na iniwan ng attacker.

Ayon sa police investigation, ang pag-atake kay Li ay hindi nag-iisang kaso. Noong isang linggo ay naalerto na ang pulis na ang 31-yearold na babaeng nagngangalang Chu, ay nabiktima rin ng ganitong klaseng pag-atake.Nag-collapse si Chu sa kalsada, matapos siyang masaksak, at siya ay sinugod sa ospital.

Inaresto ng pulis ang isang suspect na nagngangalang Wang kahapon, at iniimbestigahan nila ang motibo nito. Mahigit tatlong pananaksak na naisagawa sa loob ng labinlimang araw ang nai-link kay Wang.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended