Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Lalaki, inutusan ng Ohio judge na maghawak ng "I am a bully" sign!


Judge, inutos na maghawak ang isang lalaki ng sign na nagsasabing, "Ako ay isang bully," habang nakatayo sa isang kanto ng kalsada.

Isang 62-year-old na lalaki sa Ohio ang inutusang maghawak ng sign na nagsasabing "Ako ay isang bully," bilang parusa sa kanyang pag-bully sa kanyang kapitbahay at ang mga disabled na anak nito.

Ang magkapitbahay na sina Edmond Aviv at Sandra Prugh at labinlimang taon nang hindi nagkakasundo.

Sa kanyang sulat sa korte, sinabi ni Prugh na nagbitaw si Aviv ng ethnic slur habang kasama ni Prugh ang kanyang dalawang ampon na anak.

Ilang beses din daw siyang dinuraan ni Aviv,
At nathagis pa ito ng tae ng aso sa kotse ng isa sa mga anak ni Prugh.

Kapag naglalaro ang kanyang mga anak ng bola, ay sisipain ito palayo ni Aviv.

Kailan lang, ay hinipan ni Aviv ang kerosene papunta sa bakuran ni Prugh.

Nag-plead ng no contest sa korte si Aviv, at inutusan siya ng judge na hawakan ang sign nang limang oras noong Linggo.

Siya rin ay makukulong ng labinlimang araw, pupunta sa anger management class, at hihingi ng tawad mula sa biktima ng kanyang pambu-bully.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended