Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Sunflower Movement sa Taiwan, nagtapos sa ika-24 na araw!



Student protesters, umalis na mula sa Taiwan parliament!

Natapos na rin ang dalawampu't apat na araw ng student protest occupation ng Taiwan parliament.

Nagsumila ang Sunflower movement noong March 18, nang daan-daang mga estudyante ang nag-occupy ng legislature, para i-protesta ang plina-planong trade deal ng gobyerno ng Taiwan, kasama ang China, na hindi nagbigay ng transparency para sa mga mamamayan ng Taiwan.

Ang standoff sa pagitan ni President Ma Ying-jeou at ang mga student protesters ay nagtagal ng dalawampu't apat na araw -- ito na ang pinakamatagal na social movement sa kasaysayan ng Taiwan.

Nag-clash ang riot police at ang mga protesters noong March 24, na ikinagalit ng mga tao sa Taiwan, at dahilan kung bakit nagkaroon ng rally ng 500,000 na tao sa Ketagalan Boulevard sa harap ng Presidential Office noong March 30.

Ang Sunflower Movement ang nagpaalam sa mga mamamayan tungkol sa kontrobersiyal na trade deal, kaya rin nagkaroon ng isang pambansang debate tungkol sa pagpasok ng mga Chinese na negosyo sa Taiwan.

Matapos mangako ng Legislative Speaker na si Wang Jin-pyng noong Linggo, na magkakaroon ng batas para mai-regulate ang trade pact, bago magpapatuloy ang deliberations sa cross-strait service trade pact, ay pumayag na rin ang mga protesters na ibalik sa goyberno ang parliament.

Itong nakaraang tatlong linggo, ay nagpakita ng artistic creativity ang mga student protesters, at ginamit nila ang teknolohiya para magsimula ng isang protest relay, kasama ang iba pang mga Taiwanese students sa apatnapu't siyam na siudad, sa loob ng labimpitong bansa. Ang impormasyon tungkol sa protesta ay nai-translate pa sa tatlumpu't limang lenguahe. Nag-ipon din ng 220,000 US dollars ang mga netiens, para makabili ng isang full-page ad sa New York Times!

Sa mga huling araw ng pag-protesta, nilinis at inayos ng mga estudyante ang parliament building, at napanalunan nila ang titulo ng pinaka-magalang na civil rights movement.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended