Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Driver sa UK, nahulog mula sa 80-foot na talampas; hindi nasaktan!

Isang driver sa UK ang suwerte at hindi siya namatay, matapos mahulog mula sa taas na may walumpung talampakan ang kanyang kotse!

Ang 33-year-old na lalaki ay nagmamaneho sa A259 sa Roedean, Sussex, hatinggabi...

Nang biglang lumampas sa kalsada ang kanyang kotse, ay dumiretso sa talampas.

Nahulog ang sasakyan mula sa taas na may walumpung talampakan, nalampasan ang isang daanan sa ibaba, at nag-landing sa beach.

Nakalakad paalis mula sa nawasak na kotse ang driver, nang hindi nasaktan.

Nakipagbiruan pa siya sa mga paramedics at firefighters na uminom siya ng Redbull, at nagkaroon siya ng pakpak!

Ang napakasuwerteng lalaking ito ay naidala na sa ospital para sa mga minor injuries. Sigurado kaming nagpasalamat sya sa diyos at hindi rin niya naabutan ang high tide!



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended