Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
OFW, sinaksak ng chopstick nang 150 beses ang leeg ng isang shop owner sa Taiwan!


Isang lalaki, nasaksak ng bakal na chopstick, nang isang daan at limampung beses sa leeg!

Isnag domestic helper ang naaresto noong Linggo, sa Taiwan, matapos ang burtal niyang pagpatay diumano sa isang local shop owner.

Ang suspect, na isang Pilipino, ay nakikilala sa kanyang Chinese na pangalang Dawen. Nagpunta daw ang 28-year-old sa shop ng biktima noong Linggo, para humiram ng pera. Tinanggihan siya ng shop owner na si Lin.

Hawak ang isang martilyo, winasak daw ni Dawen ang ulo ng 39-year-old na si Lin, bago siya pumulot ng isang bakal na chopstick, at pinagsasaksak ang likod ng leeg ni Lin nang mahigit isang daan at limampung beses.

Si Lin ay namatay sa eksena.

Pagkatapos, ay tinali ni Dawen ang asawa't dalawang anak ni Lin, ninakaw niya ang cell phone ng biktima, at tumakas mula sa shop.

Nakalas din ng asawa ni Lin ang tali, at tumakbo ito sa nalalapit na convenience store para humingi ng tulong. Naarewtso din ng pulis ang suspect.

Nadiskubre ng mga imbestigador na si Lin ay nagpapatakbo diumano ng underground na bangko para sa mga foreign workers, at maaring nagkaroon ng away tungkol sa pera sa pagitan ni Lin at ng suspect.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended