Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Lalaki sa China, inihian ang inumin ng katrabaho; hindi nawalan ng trabaho!



Isang pre-school worker sa China, nahuling iniihian ang tsaa ng kanyang katrabaho -- at hindi siya nawalan ng trabaho!

Hello! Anong nangyayari dito?

Ang nakatatandang kindergarten worker sa isang eskuwelahan sa Lianyungang, Jiangsu Province, ang hindi naparusahan at hindi nawalan ng trabaho, matapos siyang makunag iniihian ang tsaa ng isa niyang katrabaho!

Ang lalaki ay nahuli, nang isa sa kanyang mga katrabaho ang nakapansin ng kakaibang amoy sa kanyang tsaa.

Matapos kausapin ang kanyang mga babaeng katrabaho, nag-setup sila ng cell phone camera sa classroom.

At nagulat sila nang nakita nilang ang kanilang katrabaho, ang 54-year-old na si Gao Chao, ay iniihian ang kanilang mga inumin!

Ni-report ng mga babae si Gao sa pulis at siya ay naaresto.

Pero matapos makumpirma ng mga test na wala itong nakakahawang sakit, at hindi raw siya mapo-prosecute ng pulis! At si Gao ay nakabalik pa sa kanyang trabaho sa eksuwelahan.

Sinabi raw ni Gao na inihian niya ang tsaa ng kanyang mga katrabaho, dahil hindi daw siya nirerespeto ng mga ito.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended