Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Amazon 3D smartphone: malapit na!!!


Amazon smartphone, may kakaibang 3D features!

Ang 3D images sa isang smartphone ay hindi na imposible, sa teknolohiya ngayon.

At malapit nang mag-release ng 3D smartphone ang kompanyang Amazon.

Nagkalat sa Internet ang litrato ng 3d phone na ito.

Hindi malinaw ang aktuwal na disenyo ng smartphone na ito, dahil ayon sa nagkalat na litrato, natakpan ito ng isang case -- malamang para mapigilan ng Amazon ang panggaya sa kanilang produkto.

Ayon sa mga litrato, may iilang mga camera ang nakalagay sa phone -- may camre sa bawat sulok ng telepono, na magagamit sa pag-track ng paggalaw ng ating ulo at mata, para maari tayong kumuha ng 360-degree, 3D photos.

Ayon sa mga report, balak ipakita ng Amazon ang kanilang 3D smartphone sa Hunyo, at magsisimula ang pagbenta nito sa Setyembre, kung saan makakalaban ng Amazon ang inaabangan na Apple iPhone 6.

Nagkalat din ang mga sketches ng iPhone 6, na ipinost ng isang Chinese online user sa Weibo. Maari daw na lumaki ang screen ng iPhone, hanggang sa 4.7 inches.

Pipiliin niyo ba ang Apple iPhone na may mas malaking screen? O mas gusto niyong magkaroon ng 3D smartphone?



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended