Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Teacher sa Florida, nagpa-abortion matapos mabuntis ng teenager na estudyante!


29-year-old na teacher sa Florida, nabuntis ng estudyante, kumuha ng abortion!

Ito si Jennifer Christine Fichter, isang dating teacher sa Central Florida Aerospace Academy.

Siya ay naaresto noong Lunes, nawalan ng trabaho, at nakasuhan ng anim na kasong unlawful sexual activity with a minor...isang 17-year-old na lalaki.

Noong Enero, nahuli ng ina ng teenager ang kanyang anak na tumatakas isang gabi.

Nang tiningnan ng ina ang phone ng kanyang anak, nakita niya ang mga malalaswang text messages mula kay Fichter, at tinawagan niya ito.

Napaamin ang teacher, na nag-sex sila ng teenager sa kanyang truck...at pati na rin sa isang hotel.

Sa maraming beses na sila'y nag-sex sa loob ng apat na buwan, ay nabuntis pa ang teacher, na kinailangang kumuha ng abortion.

Si Fichter daw ay in-love, at hindi pinagsisihan ang mga nangyari. At narinig ng pulis ang lahat ng kanyang sinabi sa telepono.

Isa't kalahating oras matapos mag-usap si Fichter at ang ina ng teenager, ay naaresto ang teacher.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended