Park Ji-Young, 22, hero ng South Korean ferry disaster

  • 9 years ago
Park Ji-Young, 22, hero ng South Korean ferry disaster


Korean ferry disaster: mga hero sa loob ng Sewol.

Napakalaking trahedya ang South Korean ferry disaster, kung saan daan-daang tao ang nawalan ng buhay -- at kung saan rin ipinakita ng iilang tao ang kanilang katapangan.

Ang 22-year-old na si Park Ji-Young, isang crew member at caferteria worker, ay on duty noong araw na iyon. Karamihan ng pasahero ng ferry ay kasama niya sa third-deck recreation area.

Ang nagmamaneho ng barko ay isang 26-year-old na third mate na si Park Hyun-Kul, na walang experience at first time na mag-navigate.

Samantala, si Captain Lee Joon-Seok ay nasa kanyang quarters na nang magsimulang lumubog ang ferry.

Naalala ng mga natakot na estudyante kung paano sila tinulungan ni Park na magpunta sa ligtas na lugar, at sinabihan silang tumungo sa fourth deck.

Habang mabilis na napupuno ng tubig ang ferry, ay sinabihan ni Captain Lee ang mga pasahero na huwag gumalaw o umalis.

Naniwala ang marami sa crew, kaya naghintay sila sa ferry para sa mga rescuers, kahit na na pataas ng pataas ang tubig sa loob.

Kumuha ng life jackets si Park para sa mga high schoolers, at naisakay ang marami sa mga ito sa rescue boats. Nagmakaawa ang mga estudyante na sumakay na rin sa rescue boat si Park, pero ang sabi ni Park ay, "the crew goes out last." Hindi kumuha ng life jacket si Park para sa kanyang sarili.

Samantala, si Captain Lee at ang babaeng nagmamaneho ng ferry ay nilisan na ang palubog na barko, at sumakat na rin sa rescue boats.

Bumalik sa loob ng fery si Park, kung saan may tatlong daang tao pa ang hindi nakakahanap ng daan palabas ng barko.

Pero huli na ang lahat; wala pang dalawang oras at na-taob na ang barko.

Ang tatlong daang tao ay na-trap sa barko, at pinaniniwalaang nalunod o hindi makahinga.

Hinila ng mga rescue crews ang kahit na sino mula sa dagat, patay man o buhay. Si Ji Young-Park ay natagpuang nakalutang sa tubig...siya ay namatay.

Apat sa crew ng ferry, kabilang si Captain Lee at ang third mate, ay naaresto at makakasuhan ng hindi nila pagtulong sa mga pasahero. Ayon sa isang doktor sa rescue base, pinakilala ng captain ang kanyang sarili bilang pasahero matapos siyang maligtas.

May mga South Korean web users na humihiling sa kanilang gobyerno na payagang ilibing si Park sa National Cemetery, kung saan nakalibing ang mga dating presidente at war heroes ng South Korea.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended