Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Lalaki, ginawa ang lahat para maligtas ang kanyang asawa sa cancer!


Ang 51-year-old na si Hsu Shuling (徐淑玲) ay pinasalamatan ang kanyang asawa nang dalawampu't pitong taon, sa isang press conference. Si Hsu ay na-diagnose ng stage four breast cancer noong isang taon matapos niyang mapansin na nagitim ang kanyang mga nipples. Kumalat na pala ang cancer sa kanyang buto, baga, at atay. Binigyan siya ng mga doktor ng tatlong buwan.

Nang nalaman ng asawa ni Hsu, na si Hsia Chenkuo (蕭振國), ang balita, parang end of the world ito para sa kanya. Matapos siyang umiyak nang ilang araw, dinala niya si Hsu sa isang lugar sa Taiwan, para maghanap ng bagong treatment. Nahanap nila si Doctor Ou noong July, at nagsimula sila ng isang bagong targeted therapy, gamit ang Pertuzumab at Trastuzumab.

Ang Pertuzumab ay kailangang i-inject isang bases bawat tatlong linggo, pero bawat injection ay nasa halagang 4,600USD. Hindi naman nagpaawat sa gastos si Hsiao, na sinabing wala nang mas importante pa kaysa sa buhay ng kanyang asawa...at kahit ibenta niya ang kanilang bahay, ay okay lang, basta magawan ito ng paraan.

Si Hsu ay matagal nang nalampasan ang kanyang 3-month death sentence. Nais lang daw niyang araw-araw na mapaglutuan ng pagkain ang kanyang asawa't mga anak.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended