Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
College professor, binugbog ng estudyante, dahil sa mababang grade!

College professor, brutal na binugbog, dahil sa mababang grade!

Ang Miami-Dade College music professor na si Marc Magellan at naatake, at binugbog, sa isang campus parking garage. Naniniwala siyang ito ay nangyari dahil sa mababang grade na kanyang binigay sa estudyante.

Si Magellan ay paalis ng campus, alas sais ng gabi, April 15, nang ang suspect -- na kanyang itunukoy na Hispanic o African-American, ay umatake sa kanya.

Tinawag siyang "Professor Marc" ng attacker, at nang tumalikod ang professor, at sinuntok siya ng attacker sa mukha.

Napatumba si Magellan, at patuloy siyang binugbog ng attacker, na inuntog pa ang ulo ng professor sa matigas na semento ng sahig ng garahe.

Pagkatapos, ay tumakas ang attacker, sakay ang isang kulay blue na sports car, at iniwan si Magellan, na mabali ang ilong at kamay, at nasaktan ang kanyang mga tuhod at paa.

Nakabalik na ngayon sa trabaho si Magellan, na nagpapagaling matapos ang insidente. Hindi daw niya nakilala ang kanyang attacker, pero naniniwala siyang ang mga taong nais siyang saktan ay mga estudyanteng kinailangan niyang i-drop o ibagsak.

Umaapela ang pulis sa mga tao na makibahagi ng impormasyon na makakatulong sa paglutas sa kasong ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended