Student stalker, ninakaw ang underwear at maxi pads ng kanyang professor!
  • 9 years ago
Student stalker, ninakaw ang underwear at maxi pads ng kanyang professor!


Lovesick, o just sick? Student stalker, ninakaw ang mga maxi pads ng kanyang grad school professor!

Okay lang na matuwa sa iyong teacher, pero huwag naman ganito.

Isang 31-year-old na Taiwanese na lalaki ang nahuling nagnanakaw ng mga undergarments at maxi pads, mula sa kanyang dating grad school professor.

Ang suspect na si Lin ay inamin na may crush siya sa kanyang 44-year-ol na professor, mula pa noong siya ay nasa grad school. Ayon sa mga police reports, ilang beses niyang sinundan pauwi ang professor, pagkatapos niyang grumaduate noong isang taon.

Itong buwan, inakyat diumano ng lalaki ang second floor ng bahay ng teacher, at hinalungkat ang mga gamit nito.

Biglang umuwi ang asawa ng professor, at tinawag ang pulis, Nagtangkang magtago si Lin sa isang kuwarto, pero mabilis siyang nahuli at naaresto. Natagpuan ng pulis ang backpack ni Lin, na naglalaman ng underwear, stockings, at maxi pads ng professor.

Inamin ni Lin na ito ay ikatlo niyang pagkakataon na pumasok sa bahay ng professor. Noong unang beses ay ninakaw niya ang contact list nito...at noong pangalawang beses at ninakaw niya ang mga lingerie nito. Wala raw siyang intensiyong manakit, pero obsessed daw siya sa professor at gusto niyang magkaroon ng mga souvenirs.

Mabait naman ang professor, at hindi siya kinasuhan, basta't mangako si Lin na titigil na siya sa pang-harass sa kanya. Pero si Lin ay nakasuhan pa rin ng pulis para sa pagnanakaw.

Pinayuhan si Lin ng mga experts na kumuha ng professional help, as soon as possible.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended