Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Kim Jong-Un, nagpadala ng envoy sa France, para matutong gumawa ng cheese!


North Korean leader Kim Jong-Un, nagpadala ng mga representatives sa France, para pag-aralan nilang gawin ang paboritong cheese ng kanilang Dear Leader!

Boys and girls, samahan niyo kami sa pag-welcome sa supreme leader ng North Korea na si Kim Jong-Un, na magsisilbing tour guide sa araw na ito. Dadalhin niya tayo sa Besancon, France, para makita natin kung paano nila ginagawa ang emmental cheese na kilala sa buong mundo.

Nag-aral ako sa Switzerland noong ako pa ay isang bata. At sa aking kabataan, ay na-in love ako sa emmental cheese. Pero walang marunong gumawa nito sa North Korea, kaya pinatay k--- este, pinadala ko ang tatlong envoy sa National Dairy School of France, para matuto silang gumawa ng emmental cheese. Yay for me!

Dahil ako ay nasa magandang mood, dadalhin ko kayo sa isa pang lugar. Dahil importante sa akin ang pagkulong--- este, edukasyon ng mga bata, inutos ko ang renovation ng International Children's Center sa North Korea. Idadagdag ko rin ang course na, "The Childhood of Kim Jong-Un," sa curriculum ng mga first at second graders! Sino naman ang hindi mag-e-enjoy sa course na ito?!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended