Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Mga tao, gumamit ng pekeng race numbers, sa Boston Marathon.

Mahirap kalimutan ang karumal-dumal na krimen, na nangyari sa huling Boston Marathon. At itong taon, may iilang mga joggers ang nahuling tumakbo sa marathon, gamit ang pekeng numbers -- mga numbers na binayaran ng ibang taong nais lang na sumali sa event na ito. Tama ba naman yan?!

Apat na runners ang nakunan ng litratong may suot na identical na bibs.

Para sa mga taong nememeke, okay na okay ang gumawa ng pekeng bibs, para maiwasang bayaran ng 175-dollar registration fee.

Si Kara Bonneau, na nakopya ang bib, matapos niyang i-post ito sa Instagram, ay inalerto ang marathon officials sa kanilang Facebook.

Ayon kay Kara, pinaghirapan niya ang mag-raise ng funds para sa charity, gamit ang kanyang number, na nabalewala ng taong kumopya sa kanyang number.

Ang Boston Marathon ay matagal nang napapaligiran ng mga so-called 'bandit runners,' mga taong masyadong mabagal para mag-qualify, at mga taong gustong tumakbo nang libre.

Ano sa tingin niyo? Ang mga taong ito, na nagkalat ngayon ang mukha sa Internet, ay dapat bang palusutin? Mag-iwan ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended