Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Minnesota trial ni Byron Smith: murder, o self-defense?


Paano natin mapagdedesisyunan kung kailan tumawid sa panig ng murder ang isang akto ng self-defense?

Ito ang desisyon na dapat gawin ng isang jury sa Minnesota, sa darating na linggo...sa trial ng isang lalaking nagsasabing pino-protektahan lang niya ang kanyang property mula sa mga magnanakaw.

Ayon kay Byron Smith, pino-protektahan niya lang ang kanyang tirahan noong Thanksgiving 2012, at siya ay natakot na dahil dalawang beses nang napasok at nanakawan ang kanyang bahay...kaya may dala siyang pistol at rifle sa kanyang bahay.

Ang 65-year-old na retired engineer ay nasa kanyang basement, dala ang dalawang baril, nang narinig niyang pinasok ang kanyang bahay.

Ang unang intruder, ang 17-year-old na si Nick Brady, ay pumasok sa basement, na tila alam kung ano ang kanyang hinahanap. Pero hinihintay siya ni Smith, na dala ang isang Ruger Mini-12 rifle.

Dalawang beses na binaril ni Smith si Brady...
Bago niya ito binaril ng pangatlong beses, na tumagos sa kamay ni Brady, at tumama sa kanyang ulo. Sumobra na ba ito?

Inilagay ni Smith ang katawan ni Brady sa isang tarp...dahil ayaw niyang malagyan ng dugo ang kanyang carpet. Ito ba ay indikasyon ng premeditation?

Matapos ma-reload ni Smith ang kanyang rifle, ang pinsan ni Brady, ang 18-year-old na si Haile Keifer, ay sumugod sa basement, at sakto sa range ng baril ni Smith.

Binaril siya ni Smith, pero nag-jam ang rifle.

Nag-struggle si Keifer pero kinaladkad siya ni Smith papunta sa katawan ng patay niyang pinsan, kung saan binaril siya ni Smith nang dalawang beses sa ulo. Ayon kay Smith, narinig niyang nagsusuka si Keifer, kaya nagdesisyon siyang gumawa ng 'clean kill.'

Habang nangyayari ang buong insidente, may cassette deck si Smith nan ire-record ang buong pangyayari. Ito, at ang mga forensics lang ang hard evidence sa kasong ito.

Ang dalawang teenagers ay popular sa maliit na bayan, na may populasyon na walong libong tao.

Pero mukhang sila rin ang minsang nagpasok at nagnakaw sa bahay ni Smith, at maaring nagnakaw ng prescription drugs mula sa isa pang residente.

Si Byron Smith ba ay isang takot na matandang lalaki, na pino-protektahan ang kanyang bahay?

O planadong murderer ng dalawang teenager?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended