Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Teenager, pinatay ang babaeng hindi pumayag na sumama sa kanya sa prom!

Teenager na sinaksak ang babaeng tumangging maging ka-date niya sa prom, mata-try bilang isang adult.

Si Chris Plaskon ang 16-year-old na suspect sa isang pananaksak na nangyari sa Connecticut noong Biyernes.

Siya ay nasa isang psychiatric ward para ma-assess, matapos ang saksakan sa Jonathan Law High School sa Milford, kung saan sinaksak niya diumano ang kanyang kaibigan na si Maren Sanchez, dahil tumanggi itong maging prom date ang suspect.

Ayon sa mga report, nag-date daw ng sandal si Plasken at Sanchez noong sila ay nasa middle school, pero si Sanchez ay mayroon na ngayong ibang boyfriend...ang law student na si Jarrod Butts.

Ang saksakan ay nangyari, 7:15 ng umaga, malapit sa isang stairwell sa school hall, noong Biyernes.

Nai-report na si Plasken ay inatake si Sanzhez, matapos tumanggi ang babae na maging ka-date ni Plasken sa prom -- pero hindi malinaw kung saan at kailan ito nangyari.

Tinangkang tulungan ng mga staff members si Sanchez matapos ang attack, pero siya ay nakumpirmang patay, 7:43 ng umaga, sa isang nalalapit na ospital. Siya ay nasaksak sa dibdib, leeg at mukha.

Si Plasken ay na-detain sa eskuwelahan, at isang kutsilyo ang na-recover sa eksena. Iniimbestigahan pa ng pulis ang motibo ng suspect.

Nai-cancel ang prom, matapos ang attack, at nagsagawa ng isang beachside memorial para kay Sanchez ang kanyang mga kaibigan at kaklase.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended