Babae, namatay matapos mag-post ng "Happy" status sa Facebook!

  • 9 years ago
Babae, namatay matapos mag-post ng "Happy" status sa Facebook!

Babae, namatay matapos mag-post na siya ay 'happy,' sa Facebook.

Si Courtney Sanford at namatay, Huwebes ng umaga, habang siya ay nagpo-post ng selfies at nagmamaneho ng kotse.

Ang kanyang huling salita, sa kanyang mga Facebook friends, ay, 'The happy song makes me HAPPY!'

Alam nating lahat ang kantang "Happy."

Si Sanford ay kumukuha ng selfies, habang nagmamaneho sa Business Route 85, malapit sa High Point, North Carolina.

Nag-update pa siya ng kanyang Facebook status, at binanggit ang kanta ni Pharrell Williams. Ilang segundo lamang ang nakalipas, at nawalan ng kontrol sa kanyang kotse si Sanford, at bumangga sa isang recycling truck.

Parehong nadulas paalis sa kalsada ang dalawang sasakyan. Tumama ang truck sa mga puno, at ang kotse ay napunta sa isang kanal.

Buti na lang at hindi nasaktan ang driver ng truck. Pero nasunog ang kotse ni Sanford, at siya ay namatay sa eksena.

Umabot ng ilang araw bago nasabihan ng kanyang mga pmilya't kaibigan ang mga awtoridad tungkol sa kanyang pagfe-Facebook bago mangyari ang aksidente.

Ang huling status update ni Sanford at nai-post, 8:33 ng umaga. Nakatanggap ng tawag tungkol sa banggan ang pulis, 8:34 ng umaga.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended