Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
ATM robbery, nag-backfire, dahil may dalang baril ang biktima!


Isang ATM robbery, nag-backfire, dahil may sariling baril na dala ang biktima!

Ang holdaper na si Larry Mausali ay nakapili ng maling target, nang sinubukan niyang nakawan si Kenneth Owens, Biyernes ng gabi, sa Columbus, Ohio.

Hinoldap ni Mausali si Owens, gamit ang isang baril. Kinuha niya ang wallet at cash ni Owens, pero hindi pa rin siya nakuntento. Pinilit niyang sumakay si Owens sa kanyang sasakyan, at sinabi kay Owens ang kanyang plano: pupunta sila sa isang ATM, kung saan magwi-withdraw ng pero si Owens para kay Mausali.

Kung alam lang ni Mausali na kakayanin pala siya ng kanyang biktima.

Naglabas ng sarili niyang baril si Owens, at binaril si Mausali.

Natamaan si Mausali sa gilid ng kanyang leeg. Tumawag ng pulis si Owens, at sinabi sa kanila ang mga nangyari.

Namatay si Mausali sa ospital, mula sa tama ng bala sa kanyang leeg. Siya ay naaresto para sa breaking and entering, at pagdala ng nakatagong armas, noong 2009.

Iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente, para malaman kung ang pambabaril ba ay justified. Ano sa tingin niyo?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended