Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
John Servati, 21, namatay matapos iligtas ang girlfriend mula sa Alabama tornado!


Isang swimmer sa Alabama, namatay habang nililigtas ang kanyang girlfriend mula sa pabagsak na pader, na dala ng isang buhawi!

Nagdagsaan ang mga buhawi sa American south noong Lunes -- maraming lugar ang nawasak, at may tatlumpu't limang tao ang namatay sa apat na estado.

Sa Tuscaloosa, Alabama, ang malakas na bagyo at buhawi ang nagbigay-daan sa mga flash floods, na nahila ang bubong ng mga bahay.

Naghanap ng matutuluyan ang mga residente, na natakot at naalala ang buhawi noong 2011, kung saan may limampung tao ang namatay.

Sa isang bahay sa 1400 block ng 22nd avenue, nagtago ang University of Alabama simmer na si John Servati at ang kanyang girlfriend...

Nang biglang nag-collapse ang isang pader sa basement, at nadaganan ang dalawa.

Napigilan ni Servati ang pagbagsak ng pader, at naligtas ang kanyang girlfriend.

Pero patuloy ang pagbagsak ng pader, at nabaon si Servati, na inuna ang kaligtasan ng kanyang girlfriend kaysa sa kanyang sarili.

Si Servati ay dinala sa DCH Regional Medical Center, kung saan siya ay namatay. Sa araw na ito, ay nagluluksa ang kanyang mga teammates at miyembro ng kanilang komunidad, na sinabing si Servati ay isang tunay na hero. May he rest in peace.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended