Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Teenager sa New York, naputol ang braso habang nililinis ang isang pasta machine!


Isang teenager sa upstate New York ang nawalan ng braso -- naputol ito ng pasta machine sa kanyang trabaho!

Mas masarap talaga ang pasta kapag ito ay freshly made, at hindi galing sa supermarket. Noong Sabado, sa Violi's Italian Restaurant sa Messena, New York, ang freshly made pasta ay may kasamang braso, kamay at daliri ng isang 17-year-old na lalaki!

Ang high school student na si Brett Bouchard ay nililinis ang pasta machine sa restaurant, nang malapit na itong magsara, Sabado ng gabi.

Noon pang 2012 nagsimulang magtrabaho sa Violi's si Brett, at hindi na rin ito ang kanyang kauna-unahang beses na linisin ang pasta machine.

Pero na-activate ang machine habang nililinis niya ito, at pinutol ang buong kanang braso ni Brett -- sa siko!

Patapos pa lang kumain ang mga customers na sina Michael at Joanne Walsh, nang nangyari ang insidente, at sinabi nila sa mga reporters na ayaw nilang pag-usapan ang nangyari.

Sinugod ang teenager sa emergency room, at siya ay dumaan na sa iilang operasyon para maikabit muli ang kanyang braso, pero hindi pa nagko-comment ang kanyang pamilya sa kondisyon ni Brett.

Samantala, bukas na ulit ang Violi's, at ang kanilang Happy Hour ay nagsisimula, every Friday at 6!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended