Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Magkahiwalay na mag-asawa, iniwan ang 3-month-old na baby sa kalsada sa Taiwan!


Magulang, iniwan ang kanilang baby sa kalsada!

Isang tatlong buwan na baby girl, iniwan sa kalsada ng sarili niyang mga magulang, at lolo't lola!

May mga tao talaga na hindi karapat-dapat na maging magulang. Gaya ng isang divorced na mag-asawa sa Taiwan, na iniwan diumano sa kalsada ang kanilang three-month-old na baby!

Nag-divorce ang mag-asawa, Pebrero noong isang taon, habang ang babae ay dinadala ang ikaapat nilang anak.

Noong Nobyembre, nagpunta sila sa korte para maayos ang kanilang custody dispute, pero hindi sila makapagdesisyon kung sino ang mag-aalaga sa baby, dahil pareho nilang ayaw ang responsibilidad. Pag-alis ng kanya-kanyang nilang pamilya mula sa korte, iniwan ng lola ng baby ang baby sa gilid ng kalsada, sa harap ng courthouse.

Nakita ito ng bailiff at sinubukan niyang pigilan sa pag-alis ang pamilya, pero nagmaneho silang paalis. Bumalik sa courthouse ang lolo ng baby pagkatapos, hindi para kunin ang baby, kundi para iwan doon ang lampin at gatas ng baby.

Nailagay na ng mga awtoridad ang baby sa foster care. Ang kanyang walang puso na mga magulang ay makakasuhan ng abandonment.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended