Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Magkapatid na babae, niligtas ang mga estudyante mula sa nasusunog na bus!

Magkapatid na babae sa Mississippi, niligtas ang mga estudyante mula sa isang nasusubog na bus!

Ang magkapatid ay tinatawag na hero, matapos nilang maligtas ang mga estudtanteng nakasakay sa isang bus, na biglang nasubog.

Si Betty Windom at ang kanyang kapatid na si Beth Insley ay nakahinto sa isang red light, nang nakita nilang dumaan ang ang Clairborne County school bus sa Highway 28, na umuusok ang engine.

Hinabol ng magkapatid ang bus, at inilawan ito gamit ang kanilang headlights, para mapansin sila ng driver ng bus -- na walang kamalay-malay sa mga nangyayari.

Deperadong makuha ang atensiyon ng driver, isa sa magkapatid ang inilabas ang kanyang katawan sa bintana ng kotse, nagkakaway at nagsisigaw; hanggang sa hinarang nila ang kanilang kotse sa harap ng bus.

Matapos huminto ang bus, sinubukan ng driver na patayin ang apoy sa pamamagitan ng fire extinguisher, habang inevacuate ng mga adult chaperones ang mga bata mula sa likuran ng bus.

Salamata sa magkapatid, isang estudyante lang ang nasaktan habang pababa ito ng bus. Iniimbestigahan ngayon kung bakit biglaang nag-apoy ang six-year-old na bus.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended