Dachshunds: pinakamagastos magkasakit na mga aso!

  • 9 years ago
Dachshunds: pinakamagastos magkasakit na mga aso!


Mga Dachshunds: pinaka-magastos na aso.

Apat na taon nang nakalipas mula nang alagaan ng Taiwanese na college student na ito ang kanyang dachshund na si Bubu, na mahilig magtatalon sa loob ng kanilang bahay. Pero noong isang buwan, ay nahulog mula sa hagdanan si Bubu -- nasaktan ang likod ni Bubu, at nawalan siya ng pakiramdam sa dalawa sa kanyang paa.

Ang operasyon ni Bubu ay nasa halagang 3,300 US dollars! Kabilang na rito ang isang tomography scan, bago isagawa ang surgery. Pagkatapos ng surgery, ay nakakatayo at nakakalakad na ulit si Bubu.

Ang swimming dachshund naman na ito, na si Mickey, ay nagpapa-rehab para sa kanyang mga bulging discs, na naglalagay ng pressure sa kanyang spinal cord. Ang underwater treadmill ay hindi humihinto para natural na mapasipa ng paa si Mickey. Kailangan niya ng isang lifting belt, para tulungan siyang tumayo nang maayos, para matuto siyang maglakad muli.

Ayon sa beterinaryo, base sa isang Japanese research, 25 percent ng mga dachshunds ang nagkakaroon ng spinal injuries dahil sa kanilang genetic diet.

Isa pang beterinaryo ang nag-warning sa mga dachshund owners na huwag hayaang umakyat sa mga hagdanan, o magtatalon ang kanilang mga alagang dachshund, at huwag na huwag silang papayang tumayo sa dalawang paa -- dahil masasaktan ang kanilang mga spine, joints, at intervertebral disks. Ang worst case daw niyan, ay mapa-paralyze o mamamatay ang aso. Ingat po!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH