Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Homicide suspect, bumalik sa eksena ng krimen, napatay ng pulis!



Isang suspect ng homicide ang nabaril at napatay ng pulis, matapos itong bumalik sa eksena ng krimen sa Spokane, Washington, nang dinaanan ng kanyang sasakyan ang police barricade, at bumaba sa kotse nang may hawak na baril.

Natagpuan ng pulis ang katawan ng isang babae, sa loob ng isang bahay noong Martes, at ang 37-year-old na si Jeremy Arnold ay naging suspect. Dalawang oras na siyang hinahanap ng mga pulis, nang bumalik siya sa eksena ng krimen, at nilampasan ang isang grupong reporters sa labas ng bahay.

Dinaanan din niya ang crime scene tape, at dumiretso sa grupo ng police officers.

Ayon sa video na nakunan ng isang reporter sa eksena, pinaligiran ng mga pulis at tinutukan ng baril ang truck ng suspect, at inutusan itong bumaba mula sa sasakyan.

Pagbaba ni Arnold mula sa truck, mukhang may hawak siyang baril sa kanyang kaliwang kamay...kaya nag-open fire ang mga pulis, ng walo hanggang sampung beses, at close range. Bumagsak sa sahig si Arnold.

Isang team ng paramedics ang tinawag sa eksena, pero mabilis ding umalis. Sa mga nakaraang news reports, si Arnold ay naitawag na 'danger to the community,' dahil sa kanyang history ng vioent felonies.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended