Masahista sa Minnesota, naaresto dahil sa pagbigay ng mga erotic massages!

  • 9 years ago
Masahista sa Minnesota, naaresto dahil sa pagbigay ng mga erotic massages!


Masahista sa Minnesota, makukulong dahil sa pagbigay ng mga erotic massages, na hindi naman nire-request ng mga customers!

Isang massage therapist ang nalito yata kung sino ang dapat na makatanggap ng happy ending...siya ngayon ay nakasuhan ng criminal sexual conduct, sa St. Paul, Minnesota.

Ang masahista, na mahilig manghipo, ay si Brandon Lee Palmer...at siya ay nahatulan ng guilty, sa kanyang panghihipo sa isang kliyente, kahit na may anim pang customer ang nag-testigo laban sa kanya.

Iisa ang kuwento ng mga biktima: nagsimula ang lahat sa pagsabi sa kanila ni Brandon tungkol sa kanyang mga 'sexual kinks.'

At bago nila mamalayan, ay minamasahe na ni Brandon ang kanilang mga dibdib at vagina, at nakadiin na sa kanilang mga kamay ang erection nito.

Ayon sa mga nasindak na babae, pilit pa silang niyayakap ni Brandon, matapos ang kanilang session.

Sa korte, sinabi ng abugado ni Brandon na hindi niya sadya, at hindi niya namalayan, na nahawakan niya ang vagina ng kanyang mga kliyente. Tanong ng kabilang panig: "Sinong maniniwala na hindi niya alam na hinahawakan na niya ang isang vagina?"

Ayon sa masahista, lahat ng mga nangyari ay "Oops!" Hindi po sinasadya. Paano naman tayo maniniwala sa ganito karaming "Oops?"

Si Brandon Lee Palmer ay nahatulan ng fourth at fifth degree criminal sexual conduct, at masesentensiya sa June 17.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended