Doktor sa Taiwan, nagbebenta ng donor blood, para gawing pekeng virgin blood ng mga prostitutes!

  • 9 years ago
Doktor sa Taiwan, nagbebenta ng donor blood, para gawing pekeng virgin blood ng mga prostitutes!


Doktor na walang lisensiya, nahuling nire-recycle ang mga dugo ng mga donor, at ginagawa itong pekeng dugo ng mga virgin na babae -- na ginagamit ng mga prostitute!

Sinabi ng medical technologist na si Hsu Lung-tsai (許龍財) sa isang undercover reporter, na ilagay sa freezer ang bola ng dugo, para tumigas ito ay mailagay niya sa loob ng kanyang vagina.

Noong Oktubre, na-expose ng Apple Daily Taiwan ang isang unregistered na clinic, na nagbebenta ng tunay na dugo, para sa mga babaeng gustong maging pekeng birhen sa Taipei.

Ang mga sex workers ay gumagastos ng 10 hanggang 27 US dollars para sa isang bola ng dugo, na maari nilang pagkakitaan ng malaking halaga, sa mga customers na naniniwalang sila ay birhen.

Sinabi ni Doctor Chang Jia-chang (張家昌) sa undercover reporter, na gamitin ang kanyang daliri para ungkatin mula sa kanyang vagina ang gamit na bola ng dugo, at bumalik na lang sa clinic kapag nahirapan siyang gawin ito.

Ayon sa report mula sa Taipei District Prosecutors Office, ang so-called "Dr." Hsu ay hindi isang certified na medical technologist, pero matagal na niyang ginagawa ang kanyang ilegal na business. Kumukuha siya ng dugo mula sa mga pasyente, at binababad dito ang mga cotton balls. Nagagawa rin niyang ibenta ang dugo ng customer sa ibang customer, na maaring pagmulan ng nakakahawang kasakitan.

Sa korte ay sinabi ni Hsu na mayroon siyang qualifications para sa kanyang trabaho, at hindi naman ilegal na kumuha ng dugo mula sa mga willing donors. Pero siya ay nasita pa rin para sa pagkha ng dugo habang wala siyang inspection certificates, na lubag sa Doctor Act at Medical Technologists Act.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH