Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Babaeng teenager, madalas himatayin dahil sa isang bihira at kakaibang sakit.

Ang 17-year-old na si Paige Bartram, ng Leeds, ay inaakusahan ng pagiging lasing, sa tuwing siya ay nawawalan ng malay sa publiko.

Sa tuwing tatayo siya, itong nakaraang limang taon, siya ay hinihimatay.

Noong isang taon, noong siya ay 16 years old, siya ay na-diagnose ng Postural Tachycardia Syndrome. Dahil sa sakit na ito, ay abnormal ang pag-risponde ng kanyang nervous system kapag siya ay tumatayo. Kapag lampas ng kalahating oras siyang nakatayo, ay mawawalan siya ng malay.

Siya ay minsang naiwang nakahiga sa kalsada, nang halos kalahating oras, sa gitna ng tagginaw, dahil inakala ng mga tao na siya ay lasing.

Nagkaroon na rin siya ng mga seryosong aksidente. Nawalan siya ng malay at nahulog mula sa mataas na hagdanan, at nabali ang kanyang leeg.

Ngayon ay natutunan na niyang i-manage ang kanyang kondisyon. Minsan ay uupo siya ng ilang minuto kapag pakiramdam niya ay hihimatayin na siya.

Ang Postural Tachycardia Syndrome ay may sintomas ng pagkahilo, pagkawala ng malay, panginginig, hirap sa paghinga, sakit sa dibdib, at sakit sa ulo.

Hanggang sa may makahanap o maka-imbento ng gamot, ay kailangang matutong mabuhay nang ganito si Bartram.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended