Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Lasing na estudyante, umuwi sa maling apartment - nabaril at napatay!


Lasing na college student, nabaril at napatay, matapos umuwi sa maling apartment!

Isnag college student sa San Francisco ang nabaril at napatay, nang pumasok siya sa maling apartment, matapos ang isang gabing pakikipag-inuman.

Ang 26-year-old na si Stephen Guillermo ay pauwi sa kanyang apartment sa 900 block ng Mission Street, madaling araw noong Sabado.

Sa kanyang pagkalasing, napindot niya ang maling floor number sa elevator, at bumaba siya sa third floor, imbes na sa fifth floor, kung saan sila nakatira ng kanyang mga kapatid.

Nagpunta siya sa apartment na nasa parehong lugar ng kanyang unit, pero sa maling floor. Pinilit niyang makapasok...at doon siya binaril at pinatay diumano ng 68-year-old na si Amisi Sudi Kachepa.

Si Kachepa, na naaresto, ay sinisi si Guillermo para sa pagsira sa hawakan ng pintuan ng kanyang apartment unit, na nauwi sa isang trahedya.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended