Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Magkapatid na binu-bully sa eskuwelahan, gumawa ng video dahil ayaw makialam ng eskuwelahan!


Magkapatid na binu-bully sa eskuwelahan, umapela na gawan ito ng paraan.

Ito ang 8-year-old na si Anna Cymbaluk, at ang kanyang 7-year-old na kapatid na si Ben, mula sa Minnesota. Kinunan ng kanilang ina ang video na ito, kung saan tinukoy ng magkapatid ang pambu-bully sa kanila sa eksuwelahan. Na-upload ito sa Facebook noong Miyerkules.

Ayon sa mga bata, ang pang-aabuso sa kanila ay nagsisimula sa school bus, kung saan minsan ay bastos at matapang na sinabihan ng driver si Anna na maupo.

Isang batang lalaki sa bus ang pinagbantaan ang magkapatid, at tinawag na lesbian ang isang babaeng high school student.

Isa pang bully ang nagsabi kay Ben na mamamatay si Ben sa isang suicide, at si Anna ay nasaktan noong Miyerkules.

Si Anna, at ang kanyang ina, ay maraming beses nang humingi na ng tulong mula sa principal nga Magelssen Elementary, pero hindi sila pinansin ng eskuwelahan.

Makalipas ang limang meeting kasama ang administrasyon ng eskuwelahan, kung saan walang nangyari, ay nagtungo sa Facebook ang ina ng mga bata.

Agad na naging viral ang video, at nakuha din ni Anna ang atensiyon ng eskuwelahan.

Nag-alala ang administrasyon na masisira ang reputasyon ng eskuwelahan, kaya tinawagan nila ang mga magulang ng mga bata, at ang una nilang tanong sa kanila ay, "ano ang gagawin niyo para mapaganda ang tingin sa amin ng mga tao?" Hiniling din nila na tanggalin ang video mula sa Facebook.

Sinabi ng principal na ipadala nila si Anna sa isang counselor, pero ang sagot ng ina ni Anna ay, "hindi nanggugulo ang mga anak ko, hindi sila dapat na tanggalin mula sa kanilang mga klase." Tama!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended