Tennis coach, pinarurusahan ang mga estudyante, ginuhitan ng elepante ang kanilang mga penis!

  • 9 years ago
Tennis coach, pinarurusahan ang mga estudyante, ginuhitan ng elepante ang kanilang mga penis!


Ang pag-drawing ng elepante sa penis ay hindi laro ng mga teenager na lalake -- isa itong parusa mula sa isang high school coach!

Ang 30-year-old na tennis coach ng isang high school sa Taiwan, ang halatang naimpluwensiyahan ng Japanese cartoon, na Crayon Shin-chan, o 蠟筆小新.

Kapag nalaman niyang may mga players sa kanyang team ang nakikipag-date, pinapaguhit niya ng elepante ang kanilang mga kalalakihan. Punishment outside of the box ito!

Ang dating ban ay isinagawa ng coach, tatlong taon nang nakalipas. Kapag lumabag ang players sa ban, guguhitan ng ulo ng elepante ang kanilang private parts bilang parusa.

Minsan ay nakita ng coach ang isang player, na may ka-holding hands na babae sa kalsada. Pinilit niyang maghubad ng pantalon ang lalake, at inutusan ang isa pang player na guhitan ang penis ng lalake ng ulo ng elepante, sa kanilang dorm. Sobra silang napahiya, dahil nanonood ang iba nilang mga team members.

Hindi nagsumbong ang lalake sa kahit na sino dahil nag-alala siya para sa kanyang grades. At hindi siya nag-iisa. May tatlo pang estudyante ang nabigyan ng ganitong klaseng parusa. Dalawa sa kanila ay nasa college na, pero isa sa kanila ay nasa tennis team pa rin.





Isang beses, ay pinilit ng coach ang isang senior student na i-brush ang butt crack ng isang junior student, gamit ang isang toothbrush.

May mga estudyanteng nagreklamo sa eskuwelahan noong Nobyembre, pero ayon sa eskuwelahan ay wala silang sapat na ebidensiya para patunayan na pinilit ng coach na gawin ng mga estudyante ang kanilang binibintang na gawain.

Binigyan lang ng eskuwelahan ng warning ang coach, para sa 'mismanagement.' Isa sa mga estudyante ang nag-report ng kasong ito sa Humanistic Education Foundation, na hiniling sa school na tanggalin ang coach, at idemanda ito para sa sexual abuse.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended