Lalaking lulong sa droga, tinalon ang sunroof ng isang kotse, at inasulto ang babaeng driver!

  • 9 years ago
Nababaliw na lalake, tumalon patagos sa sunroof ng isang kotse, at inasulto ang driver!

Hulaan niyo nga kung ano ang responsable sa pinaka-latest na hubad na kalokohan na nangyari sa Dallas, Texas.

Hindi malinaw kung ALIN sa mga ilegal na substance na sangkot dito.

Nagsimula ang lahat nang isang nababaliw at high na high na lalake, na nakilala bilang si Nicholas Dyll, 23 years old, ang umatake sa isang babaeng nagja-jogging kasama ang kanyang baby, sa kanto ng Zang Boulevard at Oakenwald Street sa Oak Cliff.

Naghubad si Dyll, at nilapitan ang isang padaan na kotse, bago niya tinalon ang sunroof -- sakto sa pagdating ng pulis.

Nakunan ito ng video ng residente na si Marcus Payne.

Sa loob ng kotse, ay inatake ni Dyll ang babaeng driver, pinagsusuntok at sinabunutan niya ito.

Bumangga ang kotse sa isang poste.

Natakot ang babaeng driver, na hindi seryosong nasaktan, pero kakailanganing ipaayos ang kanyang kotse sa halagang 3,000 dollars. Ang lalake ay dinala sa nalalapit na ospital.

Hindi pa siya nakakasuhan...malamang dahil high na high pa rin siya hanggang ngayon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended