Football player Philip Nelson, nailagay sa coma ang dating state player na si Isaac Kolstad!

  • 9 years ago
Ex-Minnesota quarterback Philip Nelson, nailagay sa coma ang dating state player na si Isaac Kolstad!


Dating quarterback ng Minnesota, nakasuhan ng assault; na-comatose ang kanyang biktima.

Ang one-time University of Minnesota quarterback na si Philip Nelson ay nakasuhan ng dalawang bilang ng felony assault, matapos niyang sipain ang isa pang football player sa ulo, na nauwi sa isang coma.

Madaling araw noong Linggo, kasama ni Nelson ang kanyang mga kaibigan sa downtown area sa Mankato. Nandoon din si Isaac Kolstad. Hindi nagustuhan ni Nelson ang pagtingin ni Kolstad sa kanyang girlfriend, at sila ay nagkasagutan.

Naunang manuntok diumano si Kolstad, matapos siyang mainsulto.

Nakisali ang kaibigan ni Nelson, na napatumba si Kolstad.

Pero imbes na hayaan na ang mga nangyari, ay pilit pang sinipa ni Nelson si Kolstad sa ulo, at si Kolstad ngayon ay comatose, at nasa kritikal na kondisyon.

Kailan lang ay na-transfer si Nelson sa Rutgers University sa New Jersey, at maingat na binabantayan ng mga school officials ang sitwasyon na ito.

Nagsagawa ng vigil ang mga tao sa Minnesota State, kung saan naglaro ng football si Kolstad. Ang ama ng isang tatlong taong gulang na batang babae, at asawa ng babaeng nagdadalang-tao ay nagkaroon ng brain damage. Pero hindi natin malalaman kung hanggang saan ang pinsala, hangga't hindi siya nagigising.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended