Isang ina sa California, hinanap ang bully ng kanyang anak -- at binully ito!
Isang mother of three sa Santa Rosa, California, ang sumugod sa elementary school na ito, noong isang linggo, at nagskandalo -- siya ngayon ay nakasuhan ng felony child abuse.
Si Delia Garcia Bratcher ay nagounta sa Olivet Elementary, bandang lunchtime, noong Biyernes.
Nakita niya ang kanyang anak na lalake, at pinaturo sa kanya ang isang batang binu-bully ang anak niyang babae, na estudyante din sa eskuwelahan.
Hinanap ng ina ang bully sa buong eskuwelahan.
Nang nakita niya ang bata, hinatak niya ito sa harap ng kanyang mga kaibigan, at sinabihan niya itong huwag nang i-bully ang kanyang anak na babae...ang kanyang tono ay matapang at nakakatakot.
Mabilis na naaresto si Garcia-Bracher, pero na-release din sa 30,000-dollar bond.
Matapos ang initial investigation, sinabi ng Sonoma County Sheriff's office na ang nagwalang ina ay maaring nahatak ang maling bata, dahil wala silang mahanap na koneksiyon sa pagitan ng mga bata.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH