Apat na tao, namatay; dalawang dosenang tao, nasaktan, sa apat na minutong pananaksak sa Taipei subway.
Ang kauna-unahang random mass stabbing sa Taiwan, na nangyari noong May 21 sa isang subway train, ang ikinagulat ng mga tao -- lalo na't ang Taiwan ay kilala bilang isang ligtas at mapayapang bansa.
Ang 21-year-old attacker na si Cheng Jie (鄭捷), na isang university student, ay sinaksak ang mga random na pasahero sa subway train, Miyerkules ng hapon.
Ang attacker ay mahilig sa bayolenteng video games, at nagsagawa siya ng isnag brutal na pagpatay sa isang masikip na train sa Banqiao Line sa Taipei. Ang attack ay tumagal nang apat na minuto, kung saan apat na tao ang namatay, at dalawampu't dalawang tao ang nasaktan. Nagkalat ngayon ang dugo ng mga biktima sa sahig ng tren.
Ayon sa pulis, ang krimen na ito ay premeditated -- plinano talaga. Nagdesisyon ang attacker na isagawa ang krimen sa araw na iyon, dahil wala siyang pasok. Bumili siya ng dalawang kutsilyo, at sumakay sa MRT mula Sun Yat-Sen Memorial Hall Station, papunta sa Jiang Zi Cui Station. Pag-alis ng tren mula sa Long Shan Temple Station, sinimulan na niya ang pananaksak sa mga pasahero.
Nagawa lang ng mga pasahero na tumakas papunta sa ibang subway cars, dahil sarado at umaandar pa ang tren. Isang nasaktan na pasahero ang ginamit ang kanyang payong para labanan ang attacker. Nakalabas lang ang mga nasindak na pasahero, ilang minuto matapos masimulan ang attack, nang huminto ang tren sa Jiang Zi Cui Station.
Tinapon ng attacker ang kanyang kutsilyo, pagbaba niya ng tren, at siya ay nahuli ng ibang mga pasahero, at naaresto ng pulis. Tinanong diumano ng suspect sa pulis kung siya ba ay haharap sa death penalty, at paulit-ulit na sinabing maliit pa lang siya ay gusto na niyang gumawa ng "malaking bagay." Sino naman ang mag-aakala na ito ang kanyang gagawin?
Ayon sa general manager ng Taipei metro company na si Tan Guo-guang (譚國光), ang maximum compensation para sa mga biktima ay 4 million NT, o 137,700 USD. Ayon kay Taipei Mayor Hao Lung-Bin (郝龍斌), walumpung special police officers ang na-dispatch ng National Police Agency para tulungan ang Taipei metro police sa pag-maintain ng kaligtasan ng mhga pasahero sa MRT, sa darating na linggo.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments