Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
Estudyante, nagtawag ng bomb threat sa school, dahil hindi siya maka-graduate!


Estudyante, nagtawag ng bomb threat sa eskuwelahan, para hindi malaman ng kanyang pamilya na hindi siya makapag-graduate!

Ipinakita sa atin ng estudyanteng ito kung bakit hindi siya karapat-dapat na makakuha ng college degree...

Si Danielle Shea ay naakusahan ng pagtawag ng bomb threat, para mapigilan niya ang kanyang pamilya na malaman kung bakit hindi siya makaka-graduate.

Siya ay 22 years old, at minsang na-enroll sa Quinnipiac University, isang eskuwelahan na napakahigpit ng academics, 45 percent lang nga mga applicants ang natatanggap doon.

Ang tuition bawat taon ay nasa 55,000 dollars...nai-imagine lang naming kung gaano kahirap magtrabaho ang ina ni Shea para lang makapunta sa kolehiyo ang kanyang anak.

Pero isang taon na palang hindi pumapasok sa eskuwelahan si Shea, at ginastos pa niya ang pera ng kanyang ina.

Pagdating ng graduation day, nag-panic si Shea nang hindi nakita ng kanyang pamilya ang kanyang pangalan sa listahan sa eskuwelahan.

Ayon sa pulis, dalawang beses tumawag sa university public safety department si Shea, bago magsimula ang graduation ceremonies.

Na-trace ng pulis ang tawag sa TD Baknk Sports Center arena, at doon nila natagpuan si Shea, na kanilang inaresto, suot pa ang kanyang cap and gown.

Sayang at hindi narinig ni Shea ang kanyang college commencement speech. Sinabihan ng speaker ang mga graduating students na palaging mag-sunscreen...at huwag magsagawa ng pekeng bomb threats!



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News
Comments

Recommended