Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
Japanese nurse na napatay, pinadala ang katawan na minarkahang "doll," via post office -- at na-deliver sa lugar na may 400 kilometers ang layo!

Ang karumal-dumal na murdered body delivery ay nangyari sa Osaka, Japan, kung saan nawala mula sa kanyang apartment, dalawnag buwan nang nakalipas, ang 29-year-old na nurse na si Rika Okada (岡田里香). Natagpuan ang kanyang katawan sa isang storage facility sa Tokyo.

Nagtrabaho sa isang ospital sa Osaka si Okada, at mag-isang nakatira sa kanyang apartment. Huli siyang nakita noong Marso. Matapos ang matagal na panahong walang kontak sa isa't isa, pinuntahan si Okada ng kanyang ina noong Mayo, pero nakita niya lang ang mga mantsa ng dugo sa sahig na gawa sa tatami, at sa ilalim ng kama. Nagtawag siya ng pulis.

Ayon sa imbestigasyon, noong March 24 ay may package na may 50 kilos ang bigat, at 2 meters ang haba, na nadala mula sa apartment ni Okada. Ang package ay naka-label na "malaking manyika," at ang pangalan ng biktima ang nakalistang sender at receiver.

Ang package ay naipadala sa bahay ng isang Brazilian na babae, sa Hachioji, na nasa labas ng Tokyo. At ang katawan ni Okada ay natagpuan ng mga pulis sa isang storage facility, na malapit sa bahay ng Brazilian na babae, at naka-rent sa ilalim ng pangalan ng biktima.

Ayon sa pulis, ang passport at credit card ni Okada ay ninakaw ng Brazilian na babae, na elementary schoolmate ni Okada. Ginamit ng Brazilian na babae ang passport ni Okada, para lumipad mula Tokyo, papuntang Shanghai, China, kasama ang kanyang Chinese roommate noong May 3.

Ayon sa delivery company, ang katawan ay nakalagay sa storage facility nang isang buwan.

Bago siya nawala, ay nag-post si Okada sa Facebook, at sinabing makikipagkita siya sa isang kaibigan na sampung taon na niyang hindi nakikita.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended