Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
Italian na turista sa New York, napatay ng isang suntok!

Ang 37-year-old na si Oliver D'Orio ay may Swiss passport, at dinadalaw niya ang kanyang girlfriend sa Bronx.

Bandang 12:10 ng madaling araw, siya ay nasuntok ni Brownie Lopez sa labas ng Guerrero Bodega, sa Washington Avenua at East 184th Street.

Balikan natin ang mga pangyayari.

Ayon sa mga saksi, mukhang nakainom si D'Orio sa gabi ng kanyang pagkamatay.

Si lopez, na nakatalikod sa security camera, ay makikitang kausap si D'Orio, na nakasuot ng kulay blue na damit. Mukhang okay naman sila.

Pagpasok niya sa bodega, makikitang kinukulit ni D'Orio ang mga customer, at nagpapabili sa kanila ng beer.

"Bilhan mo ako ng beer, bilhan mo ako ng beer," ang sabi ni D'Orio kay Lopez, bago siya naglakad paalis, at halatang masama ang loob.

Tinanggal niya ang kanyang damit, at sinugod niya si Lopez, na nakatayo sa entrance.

Ang suntok ang nagtulak kay D'Orio sa sahig, kung saan malakas na tumama ang kanyang ulo.

Kinuha ni Lopez ang kanyang bag, at mabilis na umalis sa eksena.

Wala pang isang oras ang nakalipas at si D'Orio ay kinumpirmang patay sa ospital, at sinimulang maghanap ng suspect ang pulis.

Makalipas ang dalawang araw, at isang bagong gupit, sumurrender ang 19-year-old na si Lopez sa mga awtoridad, sa 48th precinct sa Bronx.

Si Lopez ay nakasuhan ng low-level assault charge. Para magkaroon ng mas mataas na charge, ay kailangang mapatunayan na may intent to kill, at hindi naniniwala ang pulis na ito ang intensiyon ni Lopez.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment
Add your comment

Recommended