Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
Magkapatid na lalake mula sa Romania -- ang pinakamalakas na bata sa buong mundo!

Kilalanin natin ang strongest boys in the world -- sina Guiliano at Claudiu Stroe, mula sa Romania.

Si Giuliano Stroe, 9 years old, at ang kanyang kapatid na si Claudiu, 7 years old, ay literal na pinakamalakas na bata sa buong mundo. Tingnan niyo na lang ang kanilang mga muscles!

Dahil ipinanganak sila sa isang bodybuilder na pamilya, mga toddler pa lang sila ay nagwe-weightlifting at acrobatics na sila.

Nakamit ni Giuliano ang dalawang world records para sa 90-degree vertical pushups, at pagsabit sa isang poste na para uman flag. Yup...walang photoshop iyan.

Ang maskuladong mga bata ay nagbubuhat ng 4-kilo dumbbells at mabibigat na weights nang dalawang oras araw-araw, para mapalaki ang kanilang mga biceps at chest muscles.

May mga nagsasabing hindi tama ang pag-train sa mga bata nang ganito kabigat, dahil napakabata pa nila, pero ayon sa kanilang mga magulang ay natural sa mga bata ito, at wala silang pinipilit sa kanila.

O ayan. Kayang-kaya, diba?

Determinado ang ama ni Giuliano at Claudiu na mapasikat ang kanyang mga anak, nang lumipat sila sa Florence, Italy. Pero nang hindi umubra ang planong iyon, ay balak naman ni Daddy Stroe na ilipat sila sa UK, para makakuha sila ng trabaho o financial sponsor para sa mga bata. Nais niya kasing madala ang weightlifting act ng mga bata sa mga bagong manonood.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments

Recommended