Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
California school guard, binugbog ang isang estudyanteng naka-wheelchair!

Ipinapakita ng surveillance footage na ito ang isang school security officer na binubugbog ang Oakland High student na si Francisco Martinez, na tinulak pa niyang paalis sa kanyang wheelchair.

Si Martinez ay may cerebral palsy at hindi magamit ang kanyang mga legs. Ayon sa 17-year-old na teenager, sa sobrang lakas ng paghampas sa kanya ng officer, ay nahulog siya mula sa kanyang wheelchair, at bumagsak siya sa sahig, kung saan tumama ang kanyang mukha.

Agad na napatalsik ang officer na si Marchell Mitchell sa trabaho, at nakasuhan din ng pananakit sa bata. Pero nagsimula ng petition ang mga estudyante para suportahan ang officer!

Ano ba ang talagang nangyari sa araw na iyon?

Ayon sa high school principal, si Martinez ay nagpapatagal sa hallway, kasama ang ibang mga estudyante, at pinakiusapan sila ng mga security officers na pumasok na sa klase, noong May 19.

Nang hindi pumayag na umalis si Martinez, ay tinulak ng officer ang kanyang wheelchair patungo sa mga classroom.

Hinampas ni Martinez ang kamay ng officer, at hinandcuff siya ng officer. Sa puntong ito, ay lumingon si Martinez at dinuraan ang officer sa mukha, na ilang beses na hinampas ang estudyante, na natumba mula sa kanyang wheelchair.

Ayon sa mga estudyante, prinovoke ni Martinez ang officer. Pero ayon kay Martinez, ang pagdura ay ang kaisa-isa niyang paraan ng paglaban.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments

Recommended