VIDEO: Armed robbery sa South Africa, nakunan ng isang GoPro camera!

  • 9 years ago
VIDEO: Armed robbery sa South Africa, nakunan ng isang GoPro camera!


Cyclist, tinutukan ng baril at ninakawan; habang kinukunan ng kanyang GoPro ang mga pangyayari!

Ang first-person footage na ito, na nakunan ng isang South African mountain biker na may GoPro camera itong nakaraang linggo, ang nagpapakita sa atin ng isang robbery at gunpoint.

Si Malcolm Fox ay nagbibisikleta sa isang trail malapit sa Sir Lowry's Pass, habang may GoPro camera na nakakabit sa kanyang helmet, nang isang lalaking may baril ang sumugod sa kanya, at inutusan siyang bumaba mula sa bisikleta.

Base sa footage, mukhang halatang-halata na may suot na camera si Fox sa kanyang helmet. Pero dineadma ito ng gunman, na kinuha ang susi ng kotse, sunglasses, cell phone at bisikleta ni Fox.

Natakot sa mga pangyayari si Fox, na nagdesisyong i-upload ang video sa YouTube, at tinukoy itong ebidensiya na makakatulong sa prosekusyon.

Salamat sa video, ay naaresto ng mga pulis ang tatlong bike-jackers sa loob lang ng ilang araw.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended